 | WELCOME TO PAROKYA NI GORIO | Apr 12, 2008 |
Isang mapagpalayang pagbati ang pambungad ko sa iyo, kaibigan: "Progress remains a lie as long as millions starve and die." "Totoong hindi nakakain ang prinsipyo ngunit mahirap kumain kung wala ka nito."
BILIBID OR NOT (Hinggil sa paglabas-masok sa kulungan ng nasentensyahang si dating Batangas Gov. Tony Leviste) ni Gregorio V. Bituin Jr. 14 pantig bawat taludtod ala eh, di ko mawari, bakin ga ganire labas-masok pala sa kulungan si Leviste ang dating gobernador ng probinsyang ala-eh na napiit nang paslangin ang kanyang kumpare believe it or not, ganito nga ang nangyayari ang treatment sa kanya'y VIP (vi-ay-pi) dahil mayaman kaya ang kulungan, ginagawa lang pasyalan ang kanyang sentensya'y tila pinaglalaruan nasaan dito ang sinasabing katarungan lalo't pinatay niya'y ang kanyang kaibigan ang nangyaring ito'y isa ngang BILIBID OR NOT isang insidenteng dapat nating mahalungkat gayunman may katotohanang isiniwalat na kahit sa kulungan man, may gutom at bundat iba ang kalagayan ng mayaman at salat sinong nagpalabas sa dapat ay nakakulong kanino kayang ulo yaong dito'y gugulong BILIBID OR NOT, nakakalabas ang may datong sistema ng hustisya'y saan kaya hahantong kung pinaglalaruan lang ng mga ulupong
Ang KURUS sa Manggagawa at Iba Pang Tula ni Gregorio V. Bituin Jr.
Kapansin-pansin ang kaibahan ng ispeling ng salitang "kurus" noon sa ginagamit na "krus" ngayon. Dati, ito ay dalawang pantig, ngunit ngayon, ito'y isang pantig na lamang. Marahil ay literal na isinalin ito ng mga bagong manunulat mula sa salitang Ingles na "cross" na isa rin lang pantig. O kaya naman ay nagmula na ito sa sugal na kara krus.
Nang nagsaliksik ako sa internet ng tulang Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus upang muling ilathala sa pahayagang Obrero o sa pahayagang Ang Sosyalista para maipalaganap sa mga manggagawa, napansin kong nagkulang ng isang pantig ang ika-12 taludtod ng tula. Kaya agad kong sinaliksik ang mismong aklat, at napansin kong ang ispeling ng "krus" sa internet ay "kurus" sa orihinal. Mali ang pagkakakopya ng mga hindi nakakaunawa sa tugma't sukat sa panulaang Pilipino, basta kopya lang ng kopya, at hindi nagsusuri, na may patakarang bilang ang bawat taludtod. Kahit nang ginawa itong awit ay binago na rin ito't ginawang krus.
Ang tulang Manggagawa ay binubuo ng labing-anim na pantig bawat taludtod, at may sesura (hati ng pagbigkas) tuwing ikawalong taludtod.
MANGGAGAWA ni Jose Corazon de Jesus
Bawat palo ng martilyo / sa bakal mong pinapanday alipatong nagtilamsik, / alitaptap sa kadimlan; mga apoy ng pawis mong / sa Bakal ay kumikinang tandang ikaw ang may gawa / nitong buong Santinakpan Nang tipakin mo ang bato / ay natayo ang katedral, nang pukpukin mo ang tanso / ay umugong ang batingaw nang lutuin mo ang pilak / ang salapi ay lumitaw, si Puhunan ay gawa mo / kaya ngayo'y nagyayabang. Kung may ilaw na kumisap / ay ilaw ng iyong tadyang, kung may gusaling naangat, / tandang ikaw ang pumasan mula sa duyan ng bata / ay kamay mo ang gumalaw hanggang hukay ay gawa mo / ang kurus na nakalagay. Kaya ikaw ay marapat / dakilain at itanghal pagkat ikaw ang yumari / nitong buong Kabihasnan. Bawat patak ng pawis mo'y / yumayari ka ng dangal dinadala mo ang lahi / sa luklukan ng tagumpay. Mabuhay ka ng buhay na / walang wakas, walang hanggan, at hihinto ang pag-ikot / nitong mundo pag namatay. - mula sa aklat na Jose Corazon de Jesus: Mga Piling Tula, p.98
Inulit din ng makatang Jose Corazon de Jesus sa unang saknong ng isa pa niyang tula ang pagkakagamit sa salitang "kurus".
GUNITA SA NAGDAANG KAMUSMUSAN ni Jose Corazon de Jesus
Sa isang mahaba / at dating kalsada ang kurus sa Mayo / ay aking nakita. O, Santa Elena! Sa buhok, mayroong / mga sampagita; sa kamay may kurus / siyang dala-dala ubod po ng ganda. - mula sa aklat na Jose Corazon de Jesus: Mga Piling Tula, p.91
Kurus din ang ginamit ng kilalang manunulat, nobelista, makata at dating bilanggong si Gat Amado V. Hernandez, na naging Pambansang Alagad ng Sining noong 1973.
ANG PANAHON ni Gat Amado V. Hernandez
Kurus na mabigat / sa ayaw magsakit ligaya sa bawa't / bihasang gumamit; pagka ang panaho'y / lagi nang katalik ay susi sa madlang / gintong panaginip. - ikawalong saknong ng 16 na saknong na tulang Ang Panahon, mula sa aklat na Tudla at Tudling, p.370
Iba naman ang ginamit na ispeling ni Gat Amado V. Hernandez sa 5 saknong niyang tulang Ang Kuros, mula rin sa aklat na Amado V. Hernandez: Tudla at Tudling, pahina 159. Gayunman, dalawang pantig pa rin ang salitang iyon.
Tunghayan naman natin ang tula ng dalawa pang kilalang makata nang bago pa lusubin ng Hapon ang bansa. Tulad ng tulang Gunita sa Nagdaang Kamusmusan at Ang Panahon, ito'y lalabindalawahing pantig din sa bawat taludtod at may sesura sa ikaanim na pantig bawat taludtod.
ANG LUMANG SIMBAHAN ni Florentino T. Collantes
Sa isang maliit / at ulilang bayang pinagtampuhan na / ng kaligayahan ay may isang munti / at lumang simbahang balot na ng lumot / ng kapanahunan. Sa gawing kaliwa / may lupang tiwangwang ginubat ng damo't / makahiyang-parang. Sa dami ng kurus / doong nagbabantay makikilala mong / yaon ay libingan. - unang saknong ng tulang Ang Lumang Simbahan, mula sa aklat na Ang Tulisan at Iba Pang Talinghaga p.167
TATLONG KURUS SA GOLGOTA ni Teo S. Baylen
Ikaw, ako't Siya / ang kurus sa Bundok, Isa'y nanlilibak, / nanunumpang lubos; Isa'y nagtitikang / matapat at taos, At nagpapatawad / ang Ikatlong Kurus! - mula sa aklat na Tinig ng Darating ni Teo S. Baylen, p.53
Marami pang makata noong panahon bago manakop ang Hapon ang sa palagay ko'y ganito nila binabaybay ang salitang "kurus". Gayunman, marahil ay sapat na ang ipinakitang halimbawa ng apat na makata upang maunawaan nating "kurus" na dalawang pantig at hindi "krus" ang pagbaybay ng mga makata noon ng salitang iyon.
Kaya napakahalagang maunawaan ng sinuman, lalo na kung kokopyahin ang mga tula ng mga sinaunang makata para ipalaganap, na may patakaran sa panulaang Pilipino na tugma't sukat (may eksaktong bilang ang bawat pantig), bukod pa sa talinghaga't indayog. Bagamat sa ngayon ay may mga tulang malayang taludturan dahil sa pag-aaklas ng mga bagong makata sa tugma't sukat at paglaganap ng modernismo sa panulaan, dapat maunawaang iba ang pagkabaybay at bilang ng pantig ng mga salita noon at ngayon, at hindi natin ito basta-basta na lang binabago.
AMBULANSYANG DE PAA
(Pagpupugay kay Kara David, reporter ng GMA7 na tumanggap ng Peabody Award dahil sa kanyang makabagbag-damdaming dokumentaryong "Ambulansyang De Paa") ni Gregorio V. Bituin Jr. 13 pantig bawat taludtod
I
sa Mindoro'y merong ambulansyang de paa maysakit sa bundok sa duyan pasan nila upang sa pagamutan sa bayan madala at maipagamot ang minamahal nila
kilo-kilometro ang layo ng lakbayin ilang bundok pa ang kanilang tatawirin ambulansyang de paa kung sila'y tawagin magsagip ng buhay ang kanilang layunin
makikita ritong manggagamot ay kulang sa mga liblib na pook sa kabundukan ngunit ito ba'y paano malulunasan na magkaroon ng doktor sa kalibliban
maraming maysakit paano gagamutin ang ambulansyang de paa'y napapagod din ang kanilang problema'y dapat kaharapin di dapat na ang ganito'y balewalain
ang malaman ang ganito'y sadyang kayhapdi sa kabila ng pag-unlad may humihikbi di magamot-gamot, kahit sakit ay munti ang nangyayari'y di na dapat manatili
pagkat dapat na ang ganito'y maresolba mga maysakit paanong matulungan pa walang pambili ng gamot, hirap pa sila itong bagong gobyerno'y may magagawa ba
II
salamat, Kara David, sa pinalabas mo sa telebisyon, namulat kaming totoo na mayroon palang nangyayaring ganito sa malalayo nating lalawigan dito
sana'y magpatuloy ka pa, aming Kapuso sa paglantad ng mga isyung nakatago sa pagpapalabas ng iba't ibang tagpo sa pagtulong sa kababayang nasiphayo
sa iyo, Kara David, nagpupugay kami lalo na't natanggap mo ang Gawad Peabody sana'y malikha mo pang ulat ay marami sana patuloy ka pang sa madla'y magsilbi
Link: http://matangapoy.blogspot.com/2010/03/tula-sa-manggagawa-ng-goldilocks.htmlTULA SA MANGGAGAWA NG GOLDILOCKS ni Gregorio V. Bituin Jr. 15 pantig bawat taludtod
Sigaw ng lider-obrero: Goldilocks, tumitiba! Agad tugon naman: Manggagawa, kinakawawa! Ang sagutang ito'y sa piketlayn dumadagundong Na ipinaririnig sa masang makasalubong.
Talagang galit na ang mga manggagawa rito Pagkat sila'y sabay-sabay tinanggal sa trabaho Dahil sa kasalanang di naman nila ginawa Na pinagbintangang nagwelga kahit naman wala.
Kasinungalingan ng manedsment ang dumaluhong Katwirang baluktot nito sa obrero'y daluyong Na nakisabwat sa gobyerno laban sa obrero Imbes sila'y tumulong, dahil sa tubo'y nanloko.
Unyunista ng BISIG, kayo na'y magbuklod-buklod Magkapit-BISIG na upang BUKLOD ay manikluhod! Goldilocks, tumitiba! Manggagawa'y itsa-pwera Kaya nararapat, patuloy kayong magkaisa!
Kayo ang nagpaunlad sa Goldilocks at lumikha Ng produkto dito't di kayo dapat balewaka Kaya Workers Control ng Goldilocks, pag-isipan na Kayo na ang magpatakbo ng sariling pabrika!
Sigaw ng lider-obrero: Goldilocks, tumitiba! Agad tugon naman: Manggagawa, kinakawawa! Sigaw ng lider-obrero: Baguhin ang lipunan! Na tinugon ng: Tungo sa ganap na kalayaan!
(Nilikha sa unang araw ng welga sa piketlayn ng Bukluran ng Independyenteng Samahang Itinatag sa Goldilocks (BISIG), Marso 11, 2010)
|  | WALA SANANG BUMOTO SA TRAPO ni Gregorio V. Bituin Jr. na pagmumuni sa larawan sa ibaba 10 pantig bawat taludtod
wala sanang bumoto sa trapo anang bata doon sa litrato naisip yata ng batang ito na mga trapo'y sakit sa ulo
mga trapo kasi'y nangangako ng kadalasan nilang ipako sa kampanyahan ay kaytitino ngunit pag nanalo'y naglalaho
naglalaho sa harap ng madla gayong nangako sa maralita "di na kayo magiging dukha pag nanalo'y di kayo luluha!"
tama ang bata sa kanyang hibik huwag iboto ang trapong lintik dahil hirap lang ang ihahasik trapo'y dapat lamang mapatalsik |
|  | KAKAIBANG BARUNG-BARONG ni Gregorio V. Bituin Jr. na pagmumuni sa larawan sa ibaba 11 pantig bawat taludtod
barungbarong ay pugad ng pag-ibig ng dalawang pusong nagkakaniig upang hibik ng puso'y isatinig at di pawang daing ang maririnig
silang minsan sa gutom nanginginig habang sa barung-barong ay kaylamig ngunit sa hirap di sila padaig sa barungbarong pa rin nila ibig |
Link: http://www.gmanews.tv/story/182722/catcher-in-the-rye-author-jd-salinger-diesNEW YORK – J.D. Salinger, the legendary author, youth hero and fugitive from fame whose "The Catcher in the Rye" shocked and inspired a world he increasingly shunned, has died. He was 91.
Salinger died of natural causes at his home on Wednesday, the author's son, actor Matt Salinger, said in a statement from Salinger's longtime literary representative, Harold Ober Associates, Inc. He had lived for decades in self-imposed isolation in a small, remote house in Cornish, N.H.
"The Catcher in the Rye," with its immortal teenage protagonist, the twisted, rebellious Holden Caulfield, came out in 1951, a time of anxious, Cold War conformity and the dawn of modern adolescence. The Book-of-the-Month Club, which made "Catcher" a featured selection, advised that for "anyone who has ever brought up a son" the novel will be "a source of wonder and delight — and concern."
Enraged by all the "phonies" who make "me so depressed I go crazy," Holden soon became American literature's most famous anti-hero since Huckleberry Finn. The novel's sales are astonishing — more than 60 million copies worldwide — and its impact incalculable. Decades after publication, the book remains a defining expression of that most American of dreams: to never grow up.
Salinger was writing for adults, but teenagers from all over identified with the novel's themes of alienation, innocence and fantasy, not to mention the luck of having the last word.
"Catcher" presents the world as an ever-so-unfair struggle between the goodness of young people and the corruption of elders, a message that only intensified with the oncoming generation gap.
Novels from Evan Hunter's "The Blackboard Jungle" to Curtis Sittenfeld's "Prep," movies from "Rebel Without a Cause" to "The Breakfast Club," and countless rock 'n' roll songs echoed Salinger's message of kids under siege. One of the great anti-heroes of the 1960s, Benjamin Braddock of "The Graduate," was but a blander version of Salinger's narrator.
"`Catcher in the Rye' made a very powerful and surprising impression on me," said Pulitzer Prize-winning novelist Michael Chabon, who read the book, as so many did, when he was in middle school. "Part of it was the fact that our seventh grade teacher was actually letting us read such a book. But mostly it was because `Catcher' had such a recognizable authenticity in the voice that even in 1977 or so, when I read it, felt surprising and rare in literature."
"Many readers were created by `The Catcher in The Rye,' and many writers, too," said "Everything Is Illuminated" novelist Jonathan Safran Foer. "He and his characters embodied a kind of American resistance that has been sorely missed these last few years, and will now be missed even more."
The cult of "Catcher" turned tragic in December 1980 when crazed Beatles fan Mark David Chapman shot and killed John Lennon, citing Salinger's novel as an inspiration and stating that "this extraordinary book holds many answers." A few months later, a copy of "Catcher" was found in the hotel room of John David Hinckley after he attempted to assassinate President Reagan.
By the 21st century, Holden himself seemed relatively mild, but Salinger's book remained a standard in school curriculums and was discussed on countless Web sites and a fan page on Facebook.
Salinger fans shared their grief Thursday on social networks. Topics such as "Salinger" and "Holden Caufield" were among the most popular on Twitter. CNN's Larry King tweeted that "Catcher" is his favorite book. Humorist John Hodgman wrote: "I prefer to think JD Salinger has just decided to become extra reclusive."
Salinger's other books don't equal the influence or sales of "Catcher," but they are still read, again and again, with great affection and intensity. Critics, at least briefly, rated Salinger as a more accomplished and daring short story writer than John Cheever.
The collection "Nine Stories" features the classic "For Esme — with Love and Squalor," the deadpan account of a suicidal Army veteran and the little girl he hopes, in vain, will save him. The fictional work "Franny and Zooey," like "Catcher," is a youthful, obsessively articulated quest for redemption, featuring a memorable argument between Zooey and his mother as he attempts to read in the bathtub.
"Everyone who works here and writes here at The New Yorker, even now, decades after his silence began, does so with a keen awareness of J.D. Salinger's voice," said David Remnick, editor of The New Yorker, where many of Salinger's stories appeared. "He is so widely read in America, and read with such intensity, that it's hard to think of any reader, young and old, who does not carry around the voices of Holden Caulfield or Glass family members."
"Catcher," narrated from a mental facility, begins with Holden recalling his expulsion from boarding school for failing four classes and for general apathy. He returns home to Manhattan, where his wanderings take him everywhere from a Times Square hotel to a rainy carousel ride with his kid sister, Phoebe, in Central Park. He decides he wants to escape to a cabin out West, but scorns questions about his future as just so much phoniness.
"I mean how do you know what you're going to do till you do it?" he reasons. "The answer is, you don't. I think I am, but how do I know? I swear it's a stupid question."
"The Catcher in the Rye" became both required and restricted reading, periodically banned by a school board or challenged by parents worried by its frank language and the irresistible chip on Holden's shoulder.
"I'm aware that a number of my friends will be saddened, or shocked, or shocked-saddened, over some of the chapters of `The Catcher in the Rye.' Some of my best friends are children. In fact, all of my best friends are children," Salinger wrote in 1955, in a short note for "20th Century Authors."
"It's almost unbearable to me to realize that my book will be kept on a shelf out of their reach," he added.
Salinger also wrote the novellas "Raise High the Roof Beam, Carpenters" and "Seymour — An Introduction," both featuring the neurotic, fictional Glass family that appeared in much of his work.
His last published story, "Hapworth 16, 1928," ran in The New Yorker in 1965. By then, he was increasingly viewed like a precocious child whose manner had soured from cute to insufferable. "Salinger was the greatest mind ever to stay in prep school," Norman Mailer once remarked.
In 1997, it was announced that "Hapworth" would be reissued as a book — prompting a (negative) New York Times review. The book, in typical Salinger style, didn't appear. In 1999, New Hampshire neighbor Jerry Burt said the author had told him years earlier that he had written at least 15 unpublished books kept locked in a safe at his home.
"I love to write and I assure you I write regularly," Salinger said in a brief interview with the Baton Rouge (La.) Advocate in 1980. "But I write for myself, for my own pleasure. And I want to be left alone to do it."
The mystery of the safe continued Thursday. Salinger's representative at the Ober agency, Phyllis Westberg, declined comment on whether the author had any unpublished work. Spokeswoman Heather Rizzo of Little, Brown and Co., Salinger's longtime publisher, said she had "no news on future releases."
Jerome David Salinger was born Jan. 1, 1919, in New York City. His father was a wealthy importer of cheeses and meat and the family lived for years on Park Avenue.
Like Holden, Salinger was an indifferent student with a history of trouble in various schools. He was sent to Valley Forge Military Academy at age 15, where he wrote at night by flashlight beneath the covers and eventually earned his only diploma. In 1940, he published his first fiction, "The Young Folks," in Story magazine.
He served in the Army from 1942 to 1946, carrying a typewriter with him most of the time, writing "whenever I can find the time and an unoccupied foxhole," he told a friend.
Returning to New York, the lean, dark-haired Salinger pursued an intense study of Zen Buddhism but also cut a gregarious figure in the bars of Greenwich Village, where he astonished acquaintances with his proficiency in rounding up dates. One drinking buddy, author A.E. Hotchner, would remember Salinger as the proud owner of an "ego of cast iron," contemptuous of writers and writing schools, convinced that he was the best thing to happen to American letters since Herman Melville.
Holden first appeared as a character in the story "Last Day of the Last Furlough," published in 1944 in the Saturday Evening Post. Salinger's stories ran in several magazines, especially The New Yorker, where excerpts from "Catcher" were published.
The finished novel quickly became a best seller and early reviews were blueprints for the praise and condemnation to come. The New York Times found the book "an unusually brilliant first novel" and observed that Holden's "delinquencies seem minor indeed when contrasted with the adult delinquencies with which he is confronted."
But the Christian Science Monitor was not charmed. "He is alive, human, preposterous, profane and pathetic beyond belief," critic T. Morris Longstreth wrote of Holden.
The world had come calling for Salinger, but Salinger was bolting the door. By 1952, he had migrated to Cornish. Three years later, he married Claire Douglas, with whom he had two children, Peggy and Matthew, before their 1967 divorce. (Salinger was also briefly married in the 1940s to a woman named Sylvia; little else is known about her.)
Meanwhile, he refused interviews, instructing his agent not to forward fan mail and reportedly spending much of his time writing in a cement bunker. Sanity, apparently, could only come through seclusion.
Although Salinger initially contemplated a theater production of "Catcher," with the author himself playing Holden, he turned down numerous offers for film or stage rights, including requests from Billy Wilder and Elia Kazan. Bids from Steven Spielberg and Harvey Weinstein were also rejected. In recent years, he was a notable holdout against allowing his books to appear in digital form.
Salinger so disliked fame he was willing to sue. In 1982, he sued a man who allegedly tried to sell a fictitious interview with the author to a national magazine. The impostor agreed to desist and Salinger dropped the suit.
Five years later, another Salinger legal action resulted in an important decision by the US Supreme Court. The high court refused to allow publication of an unauthorized biography, by Ian Hamilton, that quoted from the author's unpublished letters. Salinger had copyrighted the letters when he learned about Hamilton's book, which came out in a revised edition in 1988.
In 2009, Salinger sued to halt publication of John David California's "60 Years Later," an unauthorized sequel to "Catcher" that imagined Holden in his 70s, misanthropic as ever.
Against Salinger's will, the curtain was parted in recent years. In 1998, author Joyce Maynard published her memoir "At Home in the World," in which she detailed her eight-month affair with Salinger in the early 1970s; she was less than half his age. She recalled an unflattering picture of a controlling personality with eccentric eating habits, and described their problematic sex life.
In 2000, daughter Margaret Salinger's "Dreamcatcher" portrayed the writer as an unpleasant recluse who drank his own urine and spoke in tongues. Actor Matt Salinger, the author's other child, disputed his sister's book when it came out and labeled it "gothic tales of our supposed childhood."
"He was a caring, fun, and wonderful father to me, and a tremendous grandfather to my boys," he wrote in an e-mail to The Associated Press. - AP
KAYTAGAL KITANG HINANAP ni Gregorio V. Bituin Jr. 11 pantig bawat taludtod
alam mo, kaytagal kitang hinanap nariyan ka lang pala sa tabi ko di ko agad napansin sa hinagap na kaylapit lang ng iniibig ko
aba'y kung saan-saang lupalop pa ako naghanap para makita lang ang tulad mong akin nang sinisinta tinawid pati dagat, kabundukan
pinuntahan pati mga probinsya naghanap din sa mga eskwelahan dumalo sa forum, rali't iba pa kahit makaharap si kamatayan
mahal ko, kaytagal kitang hinanap sana tapunan mo ako ng lingap
HANDOG SA ISANG KAKILALASA AKING PAG-ALIS ni Gregorio V. Bituin Jr. 14 pantig bawat taludtod
ayaw kitang iwanan, o, aking sinisinta dahil ikaw lamang itong pag-ibig ko't nasa pakiramdam ko, ako'y iniiwasan mo na kaya ako'y aalis, di na magpapakita
kaysarap pakinggan ng malaanghel mong tinig sa maraming laban, kasama kitang tumindig ngunit bakit ba sa akin ikaw na'y kaylamig gayong ang tanging sala ko, ikaw'y iniibig
sa aking pag-alis, baon ang alaala mo alaalang inukit na sa puso kong ito di alam ang gagawin sa durog na puso ko magpapakalayo ba o bala sa sentido
kaunti lang naman ang hinihingi ko't hibik ang pansinin itong puso ko at isang halik ako'y lilisan, di alam kung makakabalik at lilisan akong sa pagmamahal mo'y sabik
alam ko, balang araw, magkikita pa tayo maaring di ngayon kundi sa kabilang mundo at doon pakamamahalin kita ng todo baka sa araw na 'yon, mahalin mo na ako
Maligayang Pasko sa inyong lahat! Mabuhay kayo!
HUSTISYA SA MGA PINASLANG Maguindanao Masaker, 112309 tula ni greg bituin jr.
TUGON: Hustisya, hustisya Sa mga pinaslang na dyornalista Katarungan, katarungan Sa mga pinaslang na sibilyan
TAGAPAGSALITA: Nalula na sa kapangyarihan Ang mga pulitikong gahaman Kontrolado’y buong lalawigan Dala’y takot sa puso ng bayan TUGON:
TAGAPAGSALITA: Dahil makapangyarihan sila Doon sa buo nilang probinsya Tinambangan ang karibal nila Dinamay na pati dyornalista TUGON:
TAGAPAGSALITA: Limampu't pito ang nasa hukay Nang tinambangan sila't pinatay Maraming sibilyan ang niluray Tatlumpung dyornalista'y nadamay TUGON:
TAGAPAGSALITA: Ang masaker ay kahindik-hindik Hindi tayo dapat manahimik Katarungan itong aming hibik Hustisya ang sigaw ng panitik TUGON:
TAGAPAGSALITA: Durugin natin ang warlordismo Ibagsak ang mga abusado Palitan na natin ang gobyerno Na ang namumuno’y mga trapo TUGON:
TAGAPAGSALITA: Mga private army ay lansagin Sa bawat lugar sa bansa natin Mga armas nila'y kumpiskahin Kapangyarihan nila'y alisin TUGON:
TAGAPAGSALITA: Pumatay ng walang pakundangan Ay dapat mabulok sa kulungan Managot silang may kasalanan Bitayin kung kinakailangan TUGON:
HUSTISYA SA MGA DYORNALISTA ni Gregorio V. Bituin Jr. 11 pantig bawat taludtod
(sa 31 pinaslang na dyornalista sa Maguindanao, Nobyembre 23, 2009)
kayrami nang dyornalistang pinaslang ng mga taong walang awa't halang kayrami nang buhay yaong inutang sa aking daliri'y di na mabilang
ngunit bakit ba sila kinawawa silang matapang habang nagtitipa ng mga ulat upang magbalita at ngayon ay ibinaon sa lupa
sadyang kalagiman ang inihasik sa kaluluwa ng aming panitik sadyang ang nangyari'y kahindik-hindik hustisya sa kanila'y aming hibik
di na dapat maulit ang ganito dahil karimarimarim nga ito dapat nagbabalita'y irespeto at proteksyunan din silang totoo
ang hiyaw namin sa mundo'y hustisya sa mga pinaslang na dyornalista nawa'y di lang sila estadistika kundi hustisya'y makamit na nila
katarungan, nahan ka, katarungan sana'y inyong putulin ng tuluyan ang paghahari ng mga gahaman mga maysala'y dalhin sa bitayan
PULA ANG KULAY NG SILANGAN ni Gregorio V. Bituin Jr. 9 pantig bawat taludtod, soneto
pula ang kulay ng silangan tulad ng dugong dumadaloy sa aking ugat at katawan pulang kasimpula ng apoy dapat nang duruging tuluyan ang mga gahamang bumaboy sa kinabukasan ng bayan kaya marami ang palaboy bawiin ang lahat ng yaman mula sa mga trapong tukoy at kapitalistang gahaman na sa buhay nati'y bumaboy durugin ang mga dahilan kung bakit masa'y umaaruy
BALANI SA PUSONG UHAW ni Gregorio V. Bituin Jr. 12 pantig bawat taludtod
isa kang balani sa puso kong uhaw isa kang dagitab sa akin ay tanglaw isa kang liwanag upang di maligaw isa kang bituin sa gabing mapanglaw
isa kang dalagang may ngiting kayganda kaya iwing puso'y agad nahalina isa kang diyosang kayganda ng mata di ko maiwasang laging titigan ka
nais ng puso kong iyong mapagtanto hangang-hanga ako sa kagandahan mo isa kang diwatang nasa harapan ko pag nawala ka'y mamamatay ako
isa kang balani sa puso kong uhaw ikaw ang papatid sa puso kong tighaw
SUNOG SA SANTOLAN (Disyembre 6, 2009, Linggo ng gabi) ni Gregorio V. Bituin Jr. 13 pantig bawat taludtod "Sunog! May sunog!" mga tao'y nagulantang pagkat biglang nagkasunog sa may looban halos apatnapung bahay ang nasunugan sa Pasig, doon sa Barangay Santolan
sinunog yaong may banta ng demolisyon dahil ayaw daw tanggapin ang relokasyon sa Calauan pagkat napakalayo noon walang trabaho kaya tiyak gutom doon
nagkasunog bandang alas-siyete ng gabi maraming nagulat, tao'y di napakali mga tao'y talagang nanggagalaiti salarin ba'y sino ang makapagsasabi
sadyang sinunog ang nasa tatlumpung metro na may bantang demolisyon sa bayang ito tatlong naka-bonnet daw ang nanunog dito ito ang usap-usapan ng mga tao
mga nanunog ay dapat papanagutin dahil ang ginawa nila'y talagang krimen maagaw ang lupa ang kanilang hangarin sila'y mga walang pusong dapat bitayin
o, taga-Santolan, magpakatatag kayo dapat magkaisa diyan ang mga tao halina't araw at gabi'y magbantay tayo at ipagtanggol ang ating tahanan dito
Galit ang mga maralita ng Santolan. Dinahas na sila ng bagyong Ondoy, binantaan ng demolisyon, at ngayon ay sunog naman ang kanilang kinaharap.
Gabi ng Disyembre 6, 2009, tatlong naka-bonnet umano ang nakitang nagpulasan nang magsimula ang apoy sa isang bahay na nakakandado at walang tao, at malapit sa ilog, sa pagitan ng Doroteo St. at Victorino St. sa Santolan, Pasig. Halos 40 kabahayan ang natupok ng apoy. Ang mga nasunog na bahay ay abot sa 30 metrong bantang idemolis ng lokal na pamahalaan ng Pasig, ngunit nilalabanan ng mga tao kaya di mademolis.
Ang mga residente rito'y nais itapon sa liblib na lugar sa Calauan, Laguna bilang kanilang relocation site ngunit tinanggihan ito ng marami sa mga residente dahil wala doong pagkakakitaan at trabaho. Paano sila mabubuhay doon? Ang nais ng mga tao'y in-city relocation upang mapalapit sa kanilang trabaho.
Gutom ang inabot ng maraming nagpunta sa Calauan, kaya marami ang nagsibalikan. Masisisi ba natin silang magbalikan kung wala naman talagang pagkakitaan doon? Masisisi ba silang magbalikan kung gutom ang inaabot nila doon? Bahay at hindi nitso sa Calauan ang nais ng maralita. Bahay na malapit sa kanilang trabaho. Ang itapon ka sa malayong lugar ay pambabastos sa dignidad mo bilang tao, bilang mamamayan.
RELOKASYON: TAHANAN O BASURANG LIBINGAN ni Gregorio V. Bituin Jr. 13 pantig bawat taludtod
dumating ang demolisyon ng bigla-bigla dinedemolis ang bahay ng mga dukha itatapon sa malayo ang maralita tinataboy sa malayo tulad ng daga
nasa tabing ilog, riles, estero sila mapanganib na lugar ang bahay nila at doon daw ay dapat silang lumayas na pinangakuang may relokasyon daw pala
ngunit relokasyon ng dukha karaniwan ay sa malayong lugar, sa may talahiban masukal yaong kanilang pinagtapunan walang tubig, walang bahay, tila libingan
pulos pangako ng bagong buhay sa dukha iyon pala'y buhay ng dukha'y mas lumala sa relokasyong puno ng hirap at luha tingin sa dukha'y di na tao kundi daga
inilayo sila sa kanilang trabaho nagugutom ang kanilang pamilya rito itinapon na sila doon ng gobyerno pagkat masakit sa mata ng mga ito
dahil sa relokasyon walang kabuhayan kaya dukha'y babalik sa pinanggalingan kayang tiiising barung-barong ang tahanan ngunit di nila matiis ang kagutuman
ibebenta ang bahay dahil di makain ang napagbentahan ang siyang gagamitin upang yaong pamilya nila'y makakain bahay, di ang gutom, ay kaya pang tiisin
kaya huwag magtaka kung dukha'y bumalik sa pinanggalingan, sila'y sabik na sabik barung-barong titiisin na't di iimik relokasyon kasi'y kulang-kulang ang salik
mas nanaisin pa nila sa pinagmulan kaysa relokasyong tila isang libingan gusto nila'y mabuhay, hindi kamatayan sa relokasyong nais ng pamahalaan
dapat yata'y palitan ang sistemang bulok lalo na yaong malasadong nasa tuktok upang bayan ay di pamunuan ng bugok at nang mga dukha'y di nila madayukdok
NAGDEDEMOLIS, MGA WALANG AWA ni Gregorio V. Bituin Jr. 11 pantig bawat taludtod
bakit tila turing sa dukha'y daga kasalanan bang nilang maging dukha sila na'y isang kahig isang tuka at ang bahay pa nila'y mawawala
bakit ba bahay sila'y tatanggalan bakit ba winawasak ang tahanan saan sila lilipat ng tirahan gayong sila'y sadlak sa kahirapan
wala nang maayos na negosasyon sapilitan pa itong demolisyon walang pagkamakatao ang gayon at ganito na ba ang batas ngayon
maraming pamilya ang nag-iiyakan nang dinemolis na silang tuluyan lalo na nang hinakot ang mga upuan damit, kalan, higaan, kasangkapan
pati batas ay sadyang binaluktot mapalayas lamang ng mga balakyot ang mga dukhang kanilang tinakot at ginaya sa basurang hinakot
ang mga nagdemolis ay demonyo parang walang bahay ang mga ito mga walang awa sa kapwa tao basta mabayaran lang silang todo
ang batas na alam nila'y salapi kahit buhay pa ng dukha'y masawi kahit pa kapwa nila'y maduhagi basta may pera silang mahihingi
misyon nila'y gawin ang demolisyon pawang bayaran sa gawaing iyon walang awa't ayaw ng negosasyon basta matupad ang kanilang misyon
IDEMOLIS NATIN ANG NASA MALAKANYANG ni Gregorio V. Bituin Jr. 14 pantig bawat taludtod
mas dapat idemolis ang nasa malakanyang di ang mga dukhang biktima ng kahirapan mas dapat idemolis ang nasa pamunuan na walang ginawa kundi pulos kurakutan
pagdemolis ng bahay ay inaatas nila dahil dukha'y masasakit sa kanilang mata sa kanila, mga maralita'y walang kwenta di pagtutubuan ng mga kapitalista
hindi ba't kapitalista'y nabubuhay na nga sa ambag na lakas-paggawa ng manggagawa na pawang naghihirap dahil sa kapipiga sa lakas-paggawang di binayaran ng tama
idedemolis ang bahay para pagtayuan ng anumang naisip na pagkakakitaan bahay ng maralita'y kanilang papalitan ng paradahan, palengke o kaya'y libingan
di ba't mas dapat idemolis ang namumuno na pulos kurakot ang alam at di matino milyong piso kung kumain, sadyang kayluluho pahirap sa bayang tulad ng berdugong bungo
idemolis na ang mandaraya sa eleksyon di naman binoto pero namumuno ngayon na ang hilig pa'y sa ibang bansa maglimayon imbes na gampanan ang sa bansa niya'y misyon
idemolis yaong tubo'y laging nasa ulo imbes na kapakanan ng bayan at ng tao idemolis ang namumunong ninenegosyo at pinagtutubuan ang serbisyo-publiko
sila ang dahilan bakit lumobo ang utang ng bayan pagkat mga namumuno na'y hunghang ah, idemolis natin ang nasa malakanyang silang namumunong pawang mga salanggapang
MGA SUNOG NA KILAY ni Gregorio V. Bituin Jr. 11 pantig bawat taludtod
maraming kabataan ang nangarap na makaalpas na sa paghihirap nagsunog sila ng kilay, nagsikap nang pangarap ay matupad ng ganap
ang edukasyon ay kinabukasan upang makawala sa kahirapan sunog na kilay itong katunayan kaya mag-aral kayo, kabataan
marami ngang dahil sa pagsusunog ay kanilang naabot ang tugatog ng tagumpay at naging mga bantog at sa kasaysayan ay naging moog
kaya bilin ko habang nabubuhay sa mga kabataang nagpapanday ng kanilang kinabukasang tunay halina't tayo'y magsunog ng kilay
| |